Ang Lungsod Maynila ay ang kabesera ng Pilipinas at isa sa mga lungsod na bumubuo sa Kalakhang Maynila. Ang Maynila ay matatagpuan sa silangang baybayin ng Look Maynila sa Luzon.
Ang Maynila ang sentro ng gawain ng 10 milyong katao. Ang Kalakhang Maynila ay kilala bilang National Capital Region. Ang Lungsod Maynila ay mataong lugar na may bilang na 1.5 milyong katao at ikalawa sa Lungsod Quezon na may pinakamadaming bilang ng populasyon at dating kabesera ng Pilipinas.
Ang Maynila ay puno ng mga atraksyon tulad ng Luneta Park, Manila Bay at iba pa. Dito rin matatagpuan ang Unibersidad ng Santo Tomas na siyang pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas na itinayo noong 1611 ng mga prayleng Espanol.
Ang Intramuros, na nasa Maynila, noon ang nag silbing "Mini-Spain" ng Pilipinas dahil lahat ng naninirahan doon ay pawang mga Kastila lamang. Dito matatagpuan ang St. Augustine Church na kung saan matatagpuan ang pinakaunang "bamboo organ".
Magagandang Lugar sa Maynila
Luneta Park |
Intramuros Pagkain sa Maynila |
Bibingka |
Palabok |
Maraming magagandang tanawin sa Maynila na talaga namang maraming tao ang nahihikayat na pumunta rito. Kaya dapat nating pagkaingatan ang mga ito dahil hindi sa lahat nang oras ay makikita natin ang ganito kagandang lugar. Dapat din natin itong ingatan dahil ginawa ito ng Diyos upang alagaan hindi para sirain. Pahalagahan natin ang mga bagay na tayo lang ang meron!
Lider : Balida
Mga Miyembro:
Angub
Lusabia
Bolante
Petilla
Nograda
Yanos
Santa Ana
Todtod
Toledo
Tiburdo
Abdao
Bayoy
|